The “cannot be’s” in LOVE.

              Naiintindihan ko ang ngiting yan. Totoo nga! Ang sarap kayang magmahal, ang sarap ng may kayakap, katext, kalambingan sa mga masasaya at malulungkot na mga araw mo. Punong-puno ng kulay ang buhay at kahit na wala kang pera basta’t inlove ka, iba eh! May katagang “okay na okay lang talaga”.

               But right this moment, I want to share the opposite of the feeling of being so inlove, in this very unfair world, may mga bagay na hindi nagtatagpo, may mga bagay na kahit na anong pilit mo, ayaw parin at minsan kahit na anong pilit mong manalangin sa matching type na iniisip mong ginagawa ni Lord para sa love life natin, WALA PARIN. Sakit nuh? Yan tayo eh, paulit-ulitna nasasaktan sa mga bagay na hindi malamang para sa atin.

 

  • Inlove ka pero ayaw nya
  • Inlove ka na ginago ka lang pala
  • Inlove ka pero inlove sya sa iba
  • Inlove ka pero ayaw mong maamin-amin.
  • Inlove na sya nagbago ka na, at hindi mo na sya type.
  • Inlove ka pero natatakot ka kaya pinakawalan mo
  • Inlove  ka na talaga kaso pinaglaruan kalang pala
  • Inlove kayong dalawa torpe naman siya.
  • Inlove siya kaw nalang hinihintay, choosy mo pa.
  • Inlove siya pro ikaw, ayaw mo sa kanya
  • Inlove siya pero hindi ka sure sa feelings mo.
  • Inlove kayo pero ayaw talaga ng parents.
  • Inlove ka pro inlove siya sa bestfriend mo.
  • Inlove ka pero friend lang talaga ang turing nya sayo.
  • Inlove siya sayo pero iniwan mo
  • Inlove ka pero hindi ka pinapansin
  • Inlove ka na nga humahanap ka pa ng iba
  • Inlove sya sayo pero hindi sapat
  • Inlove ka pero wala siyang time
  • Inlove ka o siya at maraming pang mga rason at kaek-ekan

           

                  Oh diba? Marami ding mga tao ang lumalaban pra lang maisakatuparan ang perfect match na talagang kayung dalawa ang inlove sa isa’t-isa, pro hinding-hindi nangyayari kahit na anung tumbling mo habang ipinagdarasal mong magiging okay ang lahat. Dyan nanakit ang katagang PAG-IBIG at LOVE . Masakit at marami na rin ang nauubusan nan g energy dahil nga dito. Dito tayo minsan nagtatampo ka Lord for all these complexities, dito tayo umiiyak at nalulungkot, nahahart-broken.

Sana naman, worth it ang lahat ng mga pasakit na nararamdaman natin kapag dumating na ang taong para talaga sa atin. Kahit nagiging bitter ka sa love, alam na alam natin sa sarili natin na may natitirang pang percentage kahit na 0.0000001% lang yan ay pag-asa pa ring maituturing.  Ayaw nating mag-isa palagi at ibang-iba ang family love sa romantic love. Kaya pag dumating yun, GRAB IT NAH! Wag kanang maarte, dahil sa time na ‘yan si Lord na talaga ang nagmatch ng para talaga saiyo. Mahal Niya tayo eh.

                    Sa mga salitang yan ako umaasa na sa lalong madali o mabagal na pahon, darating rin ang totoong mahal ako at wala ng iba pang rason na kayang tumibag sa pagmamahalan naming. Simple lang ang life kaya’t pasimple mo rin itong patakbuhin. Sa mga araw na ito, sakit ang nararamdaman ko, unrequited love destroys a heart and for those with feelings just as mine. Well, CHEERS! we feel each other’s hearts.  Go on parin tayo kasi eto naman talaga ang buhay, at sa bandang huli hindi ito ang magiging produkto kung alam mong sa puso mo nagmomove-on ka. Mahalin nalang natin ang sarili natin diba? Walang masama dun dahil eto na siguro yung stage na sabihin nalang nating preparation and fixing stage.

                   Hindi ka nag-iisa pa lang ito, masakit nga pero matatapos ito, alam ko. 😉

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s