PAANO I-UNCRUSH ANG CRUSH MO?

Un-crushing someone is so mahirap din. Dahil minsan kahit crush lang yung nararamdaman mo, masakit pa rin sa puso. Dahil kahit simpleng landian lang yan, emotions are still real. Nakakainis lang dahil walang orasyong pwedeng dasalin at mas lalong walang herbal tea na pwedeng laklakin para dito. Kaya hanggang self-help ka na lang kung paano mo nga ba i-uuncrush ang crush mo? Eto yun.

1. Butas ng ilong lang ang kailangan mong titigan kapag nagsasalita siya. Huwag mong tititigan ang lips at mata niya kapag nagsasalita. Baka bigla mo na lang siyang itorrid.

2. Kahit hindi Holy Week, mangilin ka. Lalo na kung masarap na karne ang ang tingin mo sa kanya.

3. Magimbestiga. Humanap ka ng kahit anong pwede ikaturn-off sa kanya. Simulan sa kanyang deep-fried balakubak hanggang sa tartar ng wisdom tooth niya.

4. Humarap sa salamin, titigan ang sarili, at sabihing, “Sobrang mahal ng BB cream na ‘to para magpacute sa’yo. I deserve someone better.”

5. I-mental challenge si crush para matest ang kanyang I.Q. Simulan sa pagtatanong ng Periodic Table of Elements hanggang sa kung ilan ang naging macho papa ni Melchora.

6. Isipin mo na lang na isa siyang ‘Kampon ng Kadiliman’ at inilalayo ka niya sa taong tunay na nararapat sa’yo.

7. Move on…. to another crush. Kabuhayan mo yan eh. Walang rebound-rebound kung sadyang crush lang. Saka mo na lang ulit isipin kung paano mo siya i-uuncrush.

8. Magparehab ka. Attend attend din ng seminar para maalis ang kalandian sa katawan. Yan ang puno’t dulo ng lahat ng ito.

9. Bigkasin ang mga katagang, “Dahil hindi mo ako crush, i-ccrash na lang kita.” ng 100x habang tinititigan ang pinakapangit na throwback picture niya. Utang na loob, maturn-off ka.

10. Sumailalim sa matinding pag-iilusyon at maya’t mayang pagpapantasya. Sooner or later, magsasawa ka rin sa kanya gaya ng paborito mong crispy pata. Hindi yan gaya ng pag-ibig please.

11. Aminin mo sa kanya na crush mo siya. Minsan, ginugusto mo lang yung feeling na kinikilig ka ng palihim kaya akala mo gustong-gusto mo talaga siya.

12. Magsuot ng pantyng gawa sa bakal dahil yan ang doorway sa bumubugalwak mong feelings kay crush. Para wala kang maramdamang kahit ano kung sakaling maglandi-back ang crush mo.

#israelmekaniko

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s