Hangga’t hindi ka masaya, malayo pa ang ‘happy ending’

Minsan, hindi ko maintindihan kung sadya bang lampa lang ang puso ng tao o ano. Magsusupply ng dugo sa iba’t ibang parte ng katawan, titibok, iibig bigla tapos kukulitin ang utak para sabihing, “Üy!, mahal ko na siya.” Pero sa huli parang sterilized milk lang din sa lata, may expiration date.

‘Wag mong isiping hindi ka niya minahal. Minahal ka din niya sa sarili niyang paraan at lengguwahe. Masakit lang sigurong tanggapin na hindi niya nahigitan yung pagmamahal na binigay mo pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ka niya minahal. Maaaring di lang niya napanindigan o natakid lang tapos biglang tumilapon ang puso at may sumalong epal. Pero ang tanging bagay na pwede mo na lang panghawakan sa ngayon ay yung kahit sa maikling panahon ay nagawa niyang iparamdam sa’ýo kung gaano kasarap magmahal at mahalin. Naging masaya ka naman, hindi mo lang siguro nagustuhan yung paraan ng pagtatapos. Nakakapakingshet nga lang kase may add-ons na sakit tapos binudburan pa ng galit.

Siguro merong mga taong sadyang pang free-taste lang dahil free taste lang din ang gusto. Pero lahat tayo ay deserving makahanap ng taong seseryoso, magmamahal ng totoo at yung paninindigan tayo hanggang dulo. Lagi mo lang isipin na hangga’t hindi ka pa masaya at hangga’t patuloy na may kumikirot diyan sa kapirasong laman sa dibdib mo at hangga’t patuloy na tumutulo ang O.A. na tubig dyan sa mga mata mo, malayo pa ang ‘happy ending’.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s