Tag Archives: SongStory

BAKIT NGAYON KA LANG. . .

 

b4e74c8ab8c968e6fb542be609304009
Fred

Hi! Ako si Fred.

I’m a military Officer

Mabait, mapagmahal, malambing at gwapo. . .

Yan yung sabi ng girlfriend ko

 

 

 

d50ea78c12ae26ac18e8b8a47f40ce96
Nica

Oo oo. . .

Taken na ako kay Nica.

Maganda, mabait, God-fearing.

Mag-totwo months na nga eh.

Proud ako sa kanya.

First GF eh. . .

Kilala na siya ng buong clan ko.

Boto silang lahat sa kanya.

Bagay na bagay daw kami sa isa’t-isa

Kasal na nga lang daw ang kulang.

Pero mahirap pala,

LDR kase kami ngayon.

Nasa ibang bansa siya.

Hindi na kami masyadong nag-uusap.

Busy kami pareho sa work.

Pero hindi siya ngakukulang ng atensyon.

Alam kong mahal niya ako.

Mahal ko siya.

PERO

Nararamdaman ko minsan na

PARANG WALA NG SPARK. . .

Isang gabi, habang naghihintay na mag-online si Nica.

May nag message ng “Good night! ”

Lakas mantrip ng babaeng to ah!

Pero nireplyan ko. . .

Good night 🙂

1b2348efc3c89979b197b5cdfc09382f
Shane

At doon ko nakilala si Shane

Makulit, mabait at sweet!

Charming siya at friendly.

Madaldal at masaya siyang kausap.

Makulit kasi siya!

Ewan ko ba…

Simula nun…

Palagi na kaming nag-uusap.

Araw-araw ko siyang katext at kachat.

Care-free nga ako pag nag-uusap kami.

Marami siyang tanong.

Alam nga niyang may gf ako.

Napapa-smile ako pag nagiging madaldal siya.

There was even a time na magkikita kami ni Shane.

I asked her to visit me.

Hirap din kasi kapag sundalo.

Kami yung binibisita.

NAGULAT AKO!

She said YES!

At seryoso siyang bibisitahin ako.

Naexcite ako sobra!

Ang saya lang!

May bibisita saakin.

Kaya nagkita kami.

Ang cute pala ng babaeng ‘to

Napaka-simple niya at palagi lang siyang nakatawa

Mas nakilala ko siya

Kahit na ilang oras lang kaming nag-uusap.

Ang daldal pala talaga niya.

Pero okay lang, kasi gustong-gusto ko siyang nagsasalita.

Gumala kami.

At parang ang tagal-tagal na naming magkakilala.

At nung uuwi na siya.

Nalungkot ako.

Gusto ko pa siyang iholding hands.

Gusto ko siyang ihug.

Pero bawal at alam naming dalawa yun.

Gusto ko na ata siya. . .

Hindi ko ‘to naramdaman kay Nica.

Nakakaguilty 😦

Kasi mas lalong nawawala ang love ko sa Girlfriend ko

Pero pinipilit ko. . .

Ayaw kong makasakit. . .

Hanggang sa dumating ang 2nd monthsary namin

Hindi ko siya ginigreet,

kasi gusto ko nang makipaghiwalay

Pero ayaw niya

Hindi ko siya pweding pilitin.

May sakit siya sa puso

Bawal siyang masaktan ng sobra. . .

At parang magiging mas nagiging komplikado na ang lahat.

kung ipipilit ko pa na bitiwan siya.

alam kong mahal ko siya

NOON

Pero. . . .

Baka naman kasi namimiss ko lang ang idea ng presence ng girlfriend nearby.

Baka naman kasi eto lang ang nararamdaman kapag may ka-LDR

Ngayon. . .

Iniisip ko palagi si Shane.

Sa kanya naka-focus ang atensyon ko. . .

Sa kanya ko lang to naramdaman

May gusto nga akong sabihin sa kanya,

Na mahal ko na ata yung madaldal na yun!

“Shane Bakit?

Bakit ngayon ka lang dumating sa buhay ko?

Pinipilit kong kalimutan ka.

Bakit ngayon pa?

May Nica na ako, siya dapat laman ng puso ko.

Nalaman ko sanang darating ka,

Para naghintay nalang ako sa’yo.

Bakit ngayon ka lang. . . . “

Bakit Ngayon ka lang – Freestyle